BAYAN NG BINALONAN, PINARANGALAN SA ENVIRONMENT MONTH CELEBRATION 2024
Sa kakatapos lamang na culminating program ng Environmental Month Celebration, na ginanap sa San Fernando, La Union, nakatanggap muli ang ating bayan ng parangal bilang Outstanding Local Government Environmental Partner on Air and Water Quality Management.
Ang naturang programa ay alinsunod sa pagdiriwang ng 2024 Philippine Environment Month na may temang βOur Environment, Our Future,” na inorganisa ng DENR upang bigyang parangal ang lahat ng nominado na LGU at industriya para sa kanilang outstanding environmental practices and innovations.
Ang parangal ay personal na tinanggap ng Municipal Environment and Natural Resources Office sa pangunguna ni Eng. Clarissa Cabacang.
Ang parangal na ito ay ating nakamit sa pagsisikap ng ating Lokal na Pamahalaan na maging malinis at maging maayos ang ating bayan sa pangunguna ng ating butihing Ama ng Bayan, Hon. Mayor Ramon RG Guico IV, Hon. Vice Mayor Bryan Louie Balangue, at ng Sangguniang Bayan Members.
#ReadyGoTayo #RGTayo #BinalonanAngGaling
Β