Bayan ng Binalonan,naparangalan ng,”Outstanding Local Government Environmental Partner on Air and Water Quality Management” Award

Bayan ng Binalonan,naparangalan ng,”Outstanding Local Government Environmental Partner on Air and Water Quality Management” Award

BAYAN NG BINALONAN, PINARANGALAN SA ENVIRONMENT MONTH CELEBRATION 2024

Sa kakatapos lamang na culminating program ng Environmental Month Celebration, na ginanap sa San Fernando, La Union, nakatanggap muli ang ating bayan ng parangal bilang Outstanding Local Government Environmental Partner on Air and Water Quality Management.
Ang naturang programa ay alinsunod sa pagdiriwang ng 2024 Philippine Environment Month na may temang “Our Environment, Our Future,” na inorganisa ng DENR upang bigyang parangal ang lahat ng nominado na LGU at industriya para sa kanilang outstanding environmental practices and innovations.
Ang parangal ay personal na tinanggap ng Municipal Environment and Natural Resources Office sa pangunguna ni Eng. Clarissa Cabacang.
Ang parangal na ito ay ating nakamit sa pagsisikap ng ating Lokal na Pamahalaan na maging malinis at maging maayos ang ating bayan sa pangunguna ng ating butihing Ama ng Bayan, Hon. Mayor Ramon RG Guico IV, Hon. Vice Mayor Bryan Louie Balangue, at ng Sangguniang Bayan Members.

#ReadyGoTayo #RGTayo #BinalonanAngGaling

Binalonan: A Drug- Cleared Municipality

Binalonan: A Drug- Cleared Municipality

April 29, 2024– Ang bayan ng Binalonan ay pormal ng idineklara bilang “Drug-Cleared” Municipality sa pamumuno ng ating magiting na Mayor Ronald “RG” V. Guico IV at sa nagkakaisang tulong mula sa PNP Binalonan, PDEA, mga Punong Barangay ng ating mga barangay, mga kasamahan sa LGU Binalonan, at mga kakailyan.

Ang bayan ng Binalonan ay lubos na nagpapasalamat sa inyong mga tulong at dedikasyon upang ating makamit ang ating status na #DrugClearedMunicipality.

#ReadyGoTayo #RGTayo #BinalonanAngGaling #GustoKoGuico

Binalonan’s Mental Health Awareness

Binalonan’s Mental Health Awareness

Republic Act 11036: Mental Health Act
“An Act Establishing a National Mental Health Policy for the Purpose of Enhancing the Delivery of Integrated Mental Health Services, Promoting and Protecting the Rights of Persons Utilizing Psychiatric, Neurological and Psychosocial Health Services, Appropriating Funds Thereof, and for other Purposes.”
                                                                                              Check-in on yourself and others – do you need support today or can you give support to others? Remember, seeking help is a sign of strength, not weakness. If you or someone you know needs help, don’t hesitate to reach out. Your mental health matters!
Para sa gabay, magtungo lamang sa Binalonan MSWDO o sa Binalonan Rural Health Unit. I-click ang larawan para sa detalye.

#MentalHealth #MentalHealthAwareness #SelfCare #BeGentle #Heard #HearHelpHeal #theGentleListener